1-taon Gulang na Bata sa Bataan Binawian ng Buhay Matapos Mabulunan sa Marshmallow

Nakita na lang daw ang sanggol na si Princess na nangingisay at hindi na makahinga. Iyon pala ay nakapulot ito ng marshmallow na isinubo ...


Nakita na lang daw ang sanggol na si Princess na nangingisay at hindi na makahinga. Iyon pala ay nakapulot ito ng marshmallow na isinubo niya nang buo. Retrato mula kay Gracie Rutao

Nagluluksa ang isang pamilya sa bayan na ito dahil sa pagkamatay ng 1-taong gulang na batang babae matapos mabulunan sa marshmallow.

Setyembre 1 nangyari ang insidente sa bahay ng pamilya sa Barangay Lucanin.

Nakita na lang daw ang paslit na nangingisay at hindi na makahinga. Iyon pala ay nakapulot ito ng marshmallow na isinubo niya nang buo.

"Pinapakain ng nanay 'yun, eh bantay-bantay naman niya, kaya lang pagkuha niya ng tubig, ayun na nga ho, siguro, nakapulot ng malaking marshmallow, kasi ho ginugupit gupit niya yun," ani Merlinda Austria, lola ni bata.


Itinakbo pa si Princess sa ospital pero hindi na umabot pa nang buhay.

"Hindi nila kasalanan, wala namang may gusto na mamatay yung apo ko, sino bang may gusto," ani Merlinda.

Ayon sa mga eksperto, mainam na tutok ang mga magulang sa anumang maaring mapulot at makain ng mga bata.

"Kahit ano pa yan kahit marshmallow yan o kahit anong bagay pa yan, kailangan hindi iniiwanan mag-isa ang mga bata. Otherwise, they have the tendency to pick anything and then put in their mouth," ani Dr. Paul Baltazar, pediatrician.

Sabi pa ni Baltazar, dalawa ang madalas ikinamamatay ng mga bata hanggang 5 taong gulang.

"Choking and drowning, yang dalawang mga cause of deaths ng mga babies from 1-5 which is pwedeng iwasan naman with strict supervision," sabi ni Baltazar.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Mariveles police sa nangyari.

COMMENTS

Name

laarni villaluz,1,News,56,Viral,55,
ltr
item
Chismax: 1-taon Gulang na Bata sa Bataan Binawian ng Buhay Matapos Mabulunan sa Marshmallow
1-taon Gulang na Bata sa Bataan Binawian ng Buhay Matapos Mabulunan sa Marshmallow
https://1.bp.blogspot.com/-SDRGVANqrEc/X1Z0rRCLPvI/AAAAAAAAFwk/iLsnA2E6SCw3NsQo56YBdsMOXFvTMfgMQCLcBGAsYHQ/s640/bata.png
https://1.bp.blogspot.com/-SDRGVANqrEc/X1Z0rRCLPvI/AAAAAAAAFwk/iLsnA2E6SCw3NsQo56YBdsMOXFvTMfgMQCLcBGAsYHQ/s72-c/bata.png
Chismax
https://chism4x.blogspot.com/2020/09/1-taon-gulang-na-bata-sa-bataan.html
https://chism4x.blogspot.com/
https://chism4x.blogspot.com/
https://chism4x.blogspot.com/2020/09/1-taon-gulang-na-bata-sa-bataan.html
true
4809434585282105438
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy