Isang Sikat na Damo sa Pinas, Ibinebenta sa Ibang-Bansa ng P400 - P1000

Maraming mga halaman dito sa Pilipinas na kadalasan lamang ay nakikita o kusang tumutubo sa mga bakuran na nagtataglay ng mga napakaraming b...



Maraming mga halaman dito sa Pilipinas na kadalasan lamang ay nakikita o kusang tumutubo sa mga bakuran na nagtataglay ng mga napakaraming benepisyo sa katawan tulad na lamang ng ampalaya, malunggay, bayabas at ang damong ligaw na makahiya.

Ang makahiya ay kadalasan lamang na pinaglalaruan ng mga bata dahil sa nakakaaliw nitong taglay na kapag hinahawakan ang kanyang dahon ay kusa itong titiklop kung kaya tinawag itong makahiya dahil tila mahiyain raw umano itong damo.

Gayunpaman, naging usap-usapan sa social media ang naging post ng isang netizen na si Than-Than Javier matapos niyang ibahagi ang larawan ng isang tanim na makahiya na ibinebenta ng $7.99 o 400 Php dito sa bansa.



Nagtaka si Javier sa kanyang natuklasan dahil ang naturang halaman na ibinebenta sa ibang bansa ay halos hindi pinapansin sa Pilipinas.

Napag-alaman na ang larawan ng halamang na makahiya ay nakunan ni Javier sa isang pet shop sa bansang Canada.

"They are selling sensitive (makahiya) plant in pet shop here and it cost 7.99$ that's almost 400 pesos... damo lang sa amin yan e." ayon sa post ni Javier.

Isang netizen naman ang nagkomento sa post ni Javier at sinabing sa bansang Portugal naman ay ibinebenta ang halamang makahiya sa halagang 15 euros o Php 960.

Dahil sa post ni Javier ay pinagkaguluhan ito ng mga netizen at ang iba ay nais na rin magbenta nito dahil sa ganitong halaga umano ay talaga naman kikita sa halamang ito.

"Medicinal plant kasi yan kung hindi niyo alam kaya may halaga."



"This will happen soon enough pag naubos na sa mining ang kalikasan natin, na kahit maliit na puno worth a price na kasi wala na tayong fresh air na mahihingahan."

Ang halaman kasing makahiya ay isang herbal medicine na ginagamit sa panggamot sa ibat-ibang karamdaman tulad ng almoranas, ubo, hika, at marami pang iba.

Malinaw na ang halamang makahiya ay isa lamang sa mga halamang damo sa paligid na hindi natin nabibigyan ng halaga o napagtutuunan ng pansin na hindi natin alam na mayroon pala itong malaking benepisyo sa ating kalusugan.

COMMENTS

Name

laarni villaluz,1,News,56,Viral,55,
ltr
item
Chismax: Isang Sikat na Damo sa Pinas, Ibinebenta sa Ibang-Bansa ng P400 - P1000
Isang Sikat na Damo sa Pinas, Ibinebenta sa Ibang-Bansa ng P400 - P1000
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgcpp_R6H1nJXpcgAXYi4i_QQw7azLX6WGxVcAw-vmJpvNOw2WBfevVJgVOQMGygfMaOb7JKnOd7wDUd8WYMTPy5NGwdh-Vp4FleLWXfDHnyY2JfN0amdabSWvmvLsOEGX763tsQ6Xti74/s640/damo.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgcpp_R6H1nJXpcgAXYi4i_QQw7azLX6WGxVcAw-vmJpvNOw2WBfevVJgVOQMGygfMaOb7JKnOd7wDUd8WYMTPy5NGwdh-Vp4FleLWXfDHnyY2JfN0amdabSWvmvLsOEGX763tsQ6Xti74/s72-c/damo.png
Chismax
https://chism4x.blogspot.com/2020/06/isang-sikat-na-damo-sa-pinas-ibinebenta.html
https://chism4x.blogspot.com/
https://chism4x.blogspot.com/
https://chism4x.blogspot.com/2020/06/isang-sikat-na-damo-sa-pinas-ibinebenta.html
true
4809434585282105438
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy