Ayon sa Panayam kay Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na kumapit sa Diyos habang hinaharap ang pandemya sa COVID-19. Ayon sa pangulo...
Ayon sa Panayam kay Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na kumapit sa Diyos habang hinaharap ang pandemya sa COVID-19. Ayon sa pangulo, hindi pababayaan ng Diyos ang Pilipinas lalo’t mga Kristyano ang mga Filipino. Kailangan lang aniya ng mga Filipino na magsakripisyo ng kaunti.
“In the mean time ang importante talaga dito is your perseverance. That’s the word. You must persevere during this time. Simplehin ko: Patience. Tutal darating din ‘yan. Marunong ang Diyos, hindi niya tayo pababayaan especially ang Pilipinas kasi Kristoyanos tayo.
Magsakripisyo lang tayo ng kaunti,” pahayag ng Pangulo. Maliit na bagay aniya ang sakripisyo ng mga Filipino kumpara sa sakripisyo ng Diyos na nagpapako sa krus.
“Tutal ang ating idol nagsakripisyo man din, pinaghahampas hampas, ipinako pa sa krus. tayo pasimba simba lang, paluhod-luhod lang. So, dedicate it to the Lord that you also suffer for the country,” pahayag ng Pangulo.
Matatandaang makailang beses nang minura ni Pangulong Duterte ang Diyos.
Tinawag pa noon ng pangulo na istupido ang Diyos.