Nasa 22,000 duplicate beneficiaries ang napag-alaman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang isinasagawang val...
Nasa 22,000 duplicate beneficiaries ang napag-alaman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang isinasagawang validation process sa naging unang distribusyon ng P5,000 to P8,000 emergency cash subsidy mula sa Social Amelioration Program (SAP).
Ang duplicate beneficiaries ay iyong mga tumanggap ng ayuda mula sa SAP kahit pa nakakuha na ang mga ito ng cash aid mula sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno gaya ng sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Dahil sa natuklasan ng DSWD, ayon kay Social Welfare Undersecretary Rene Glen Paje, mas hihigpitan pa ng ahensya ang pag-validate sa mga benepisyaryo at liquidation report na ipinasa ng mga local government unit (LGU), kaugnay ng first tranche ng SAP noong Abril.
Noong nakaraan, ay una ng umapela ang Department of Interior and Local Government (DILG), sa publiko na isauli ang dobleng ayuda na natanggap mula sa pamahalaan upang mabigyan din ng tulong pinansiyal ang ibang pang pamilyang nangangailangan.
Sa kabilang banda, nagsimula na ang implementasyon ng second tranche ng SAP noong Martes (Hunyo 17), sa mga lugar na maagang nakapagsumite ng listahan ng mga waitlisted families gaya ng Kapangan sa Benguet pati na rin ang Baguio.