WATCH | Senior Citizen na Caregiver sa UK, Mag-isang Lumaban at Gumaling sa C0VID-19

Hindi naging madali para sa isang Pinay na caregiver sa United Kingdom nang magkaroon siya ng COVID-19. Dahil bukod sa senior citizen n...


Hindi naging madali para sa isang Pinay na caregiver sa United Kingdom nang magkaroon siya ng COVID-19. Dahil bukod sa senior citizen na siya, hindi pa niya kapiling ang kaniyang pamilya na nasa Pilipinas. Ngunit alang-alang sa mga mahal niya sa buhay, pinilit niyang lumaban at gumaling sa sakit.

Sa episode ng "Survivors," sinabing 15 taon nang caregiver sa UK si Gundelina "Leny" Ramirez.
Madalang daw siyang nakakauwi sa Pilipinas, at 2015 pa nang bumalik siya sa bansa para masaksihan ang kasal ng anak niyang si Beverly.

Setyembre 2019 nang kailangan niyang sumailalim sa operasyon sa kaniyang likod dahil na rin sa kaniyang edad. Dito, pinayuhan siya ng doktor na magpahinga ng anim na buwan para magpagaling.
Nakatakda na sana siyang bumalik sa trabaho nitong Marso nang magkaroon siya ng lagnat. Nang tingnan ang kaniyang pulso, nalaman niyang 42 beats per minute ang rate nito na hindi normal.

"Sabi ko, ayoko ma-ospital. Nakikita ko mga kliyente ko, pag dinadala sa ospital sinasamahan ko sila sa ospital. Mahirap talaga," sabi ni Leny, na tumatanggi pa noong una na tumawag ng ambulansiya.
Bago dahlin sa ospital, nagawa pang mag-message ni Leny sa kaniyang anak.
Isang Pinay na nurse na ang tumawag sa pamilya ni Leny para sabihing positibo ang kanilang ina sa COVID-19.

"Dun na yung parang ano? Bakit? Parang bakit sa dami ng tao doon sa UK, bakit si mama pa yung magkakaskit?" sabi ni Beverly.

Isinailalim si Leny sa CPAP o Continuous Positive Airway Pressure machine nang nahirapan na siyang huminga. Ilang oras pa ang nakalipas, dinala na siya sa Intensive Care Unit (ICU).
Taimtim na ipinagdasal si Leny ng kaniyang pamilya, kabilang na ng kaniyang mga apo.

"Jesus, sana po mapagaling N'yo na po si lola My para pagkatapos nitong COVID-19 na ito, masaya namin siyang makasama," dasal ng apo ni Leny.

Dininig naman ng Diyos ang kanilang panalangin nang bumalik sa normal ang kondisyon ni Leny matapos ang tatlong linggo. Matapos ang 50 araw sa ospital, doble negative na si Leny sa COVID-19.
Binigyan siya ng sarili niyang carer ng National Health Service ng anim na linggo para tulungan siyang makapagpagaling sa kaniyang tinitirhan, kung saan nag-iisa lang siya.

"'Yun ang namamalengke sa akin, 'yun ang naglilinis nitong maliit kong bahay. Sabi ko nga noong araw ako nag-alaga ng matatanda ng kliyente ko ngayon ako ang inaalagaan," sabi ni Leny.

"Kayo ang nagbibigay sigla sa buhay ng aming mga elderly dito. Yun ang sabi nila sa amin kaya I am proud na maging carer ako," paghikayat ni Leny sa mga kapwa caregiver na huwag maliitin ang kanilang trabaho.


Source: GMA News

COMMENTS

Name

laarni villaluz,1,News,56,Viral,55,
ltr
item
Chismax: WATCH | Senior Citizen na Caregiver sa UK, Mag-isang Lumaban at Gumaling sa C0VID-19
WATCH | Senior Citizen na Caregiver sa UK, Mag-isang Lumaban at Gumaling sa C0VID-19
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjyQ2N6t0fmcIF16adABOecbQezfkvIONHscjui-K9xTy4yIZN3o3puP0E0bNpz_bD6QhqEfC3zVbvXbJF2cwoVEqbI-T-DIM3FC_SAGUrkBoxsV8mCVqrpSaNmStubX4Xiy9Cg3QJs_nQ/s640/UK.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjyQ2N6t0fmcIF16adABOecbQezfkvIONHscjui-K9xTy4yIZN3o3puP0E0bNpz_bD6QhqEfC3zVbvXbJF2cwoVEqbI-T-DIM3FC_SAGUrkBoxsV8mCVqrpSaNmStubX4Xiy9Cg3QJs_nQ/s72-c/UK.jpg
Chismax
https://chism4x.blogspot.com/2020/07/watch-senior-citizen-na-caregiver-sa-uk.html
https://chism4x.blogspot.com/
https://chism4x.blogspot.com/
https://chism4x.blogspot.com/2020/07/watch-senior-citizen-na-caregiver-sa-uk.html
true
4809434585282105438
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy