Isa mang banyaga maituturing, pinatunayan naman ni Basel Manadil o mas kilala bilang Hungry Syrian Wanderer, na siya ay may "Pusong...
Isa mang banyaga maituturing, pinatunayan naman ni Basel Manadil o mas kilala bilang Hungry Syrian Wanderer, na siya ay may "Pusong Pinoy" sa ipinapakita niyang pagmamalasakit sa mga Pilipino.
Sa kaniyang facebook post, ay ibinahagi ni Manadil na siya ay mamimigay ng libreng iPad para sa mga online sellers at mag-aaral na nangangailangan para sa kanilang online classes.

Nais niya lamang ibahagi ang mga biyayang kaniyang natatanggap lalo pa at alam niya ang matinding pangangailangan sa gadget ng mga Pilipino para sa kanilang online classes o business.
“I thought of sharing some blessings for some of our Kababayans who need them for online schooling, work from home, pang-online business and more,” sabi ni Manadil.

Kamakailan lamang ay nakapag-post na ng mechanics si Manadil. Para sa mga gustong makakuha ng libreng gadget, kailangan lamang nilang i-follow ang vlogger sa Instagram, Facebook, at Youtube channels nito. Kailangan din nilang i-share ang kaniyang giveaway post, at sagutan sa comment section ang tanong na "What online business are you planning to do?” o “What course are you taking?”

Sumikat ang Syrian vlogger dahil sa kanyang mga mabubuting gawain tulad na lamang nang surpresahin niya ng malaking tip ang isang Grab driver.