Sinimulan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-iimbestiga sa 183 kaso ng mga local government unit (LGU) na s...
Sinimulan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-iimbestiga sa 183 kaso ng mga local government unit (LGU) na sangkot sa anomalya sa distribusyon ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP), ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sambit ni Roque, ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na bigyang pansin ang mga lokal na opisyal na hindi sumusunod sa patakaran ng pamamahagi ng ayuda mula sa SAP.
Sinabi rin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na mananagot din sa DILG ang mga LGU na hindi nakatapos ng pamamahagi ng SAP subsidy sa itinakdang deadline.
Base sa report ng DSWD, sa 1,632 baranggay, 1,035 na ang nakatapos sa first tranche ng SAP. Sa updated data naman ng DILG, 1,265 na ang nakakumpleto sa distribusyon ng ayuda.
Dagdag ni Bautista, sa mga LGU na nakatapos na ng first tranche ng SAP, 140 lang ang nagsumite ng mandatory liquidation report at listahan ng mga benepisyaryo.
Ilan sa mga komento ng mga Netizens tungkol sa mga sangkot sa anomalya:
*Sana nga magawan ng investigation ang sap nayan sir president Duterte tulad po sa Akin may I'd naman po ako solo parent pero wala po talagang dswd na umikot sa amin dito sa looban ng belvedere paradahan 1Tanza cavite.. Sana po 2nd wave mabigyan naman po kami salamat po 😘
*Sna lang po evalidate mbuti ng DSWD ang mga naaproved ng SAP. Kawawa naman ang mga higit na nangangailangan ngunit ayaw bgyan ng SAC form nga Hoa president at purok lider.
*Tatay ko po senior at solo parent pa..walang pension sa sss pero nd po qualified sa SAP program ng dswd..samantala maraming nd qualified dto samin na nakatanggap ng SAP saka kamag anak at anak ng nagwork sa brgy pasok lahat sa Sap..maganda po ang hangarin ng pangulo sa mamamayqng pilipino anu po nangyari?paki imbestigahan po dto sa brgy.gaya gaya towerville 6 san jose jose del monte monte b..salamat po.
*Dito sa among probinsya yong 1st sap hindi ibingay nang taa dswd yong slot sa anak kasi walasaamin doon sa cebu don na lock down hindi nila ibinigay kc wala yong member..uct member ang anak ko.. Tanong ko lang bakit hindi nila ibinigay uct membe diba auto matic maka tanggao ng sap bakit walang wala eh.
Source: Pinoyformosa