Maraming mga Pinoy nga ang tinamaan ng matinding kahirapan ngayon at marami rin ang nawalan ng trabaho dahil sa krisis na dala ng C0VID-1...
Maraming mga Pinoy nga ang tinamaan ng matinding kahirapan ngayon at marami rin ang nawalan ng trabaho dahil sa krisis na dala ng C0VID-19. Ang mag-asawang overseas Filipino workers (OFW) ay dumiskarte ngayon para kumita ng pera habang hindi pa sila sumasampa sa barko.
Ayon sa ulat ng GMA News Online, naisip ng mag-asawa na magtinda na lang ng itlog ngayong patok din ang pag-bake at pagluluto ngayong may quarantine. “Ang daming nagpo-post about sa leche flan, mga nagba-bake na tao, so nag-decide kami siguro kami ‘yung kailangan niyo,” sabi ni Aljin Casela.
“Mayroon naman kaming ipon kahit papaano so ‘yun ‘yung ginamit naming pagpaikot ng business instead na matulog ‘yung pera namin,” dagdag niya pa.
Magkasama ang mag-asawa sa cruise ship na pinagtatrabahuhan nila. Pero, umuwi si Mary Casela noong Disyembre dahil siya ay nabuntis. Hindi nagtagal, bumalik na rin ng Pinas ang asawa niya.
Ang capital daw nila noon ay P20,000 lang at 20 tray ng itlog ang kanilang nakuha sa supplier. Mula doon, nagkaroon na sila ng loyal customers at patuloy na ang negosyo nila. Magkasama rin sila sa paghahatid ng itlog sa mga customer. Nagbabalak din silang bumalik sa barko pero alam nilang hindi pangmatagalan ito.
“Teamwork talaga. Ano lang ‘to, pagsubok lang. Madadaanan din natin ‘to, matatapos din natin kasi parang alon lang ‘to sa barko,” sabi ni Aljin. “‘Wag lang mawawalan ng pag-asa. Kapit lang kay God, matatapos din ‘to. Sabi nga nila Pinoy tayo, virus ka lang. So laban lang,” dagdag naman ni Mary.