Lolo Nanghingi ng Panggatas Para sa Apo, Nang Makabili Sinauli pa ang Sukli

May ilan sa atin na doble ang dinaranas na problema ngayon. May pandemya na nga ng COVID, nasunugan pa, ngunit pilit gumagawa ng paraan ...


May ilan sa atin na doble ang dinaranas na problema ngayon. May pandemya na nga ng COVID, nasunugan pa, ngunit pilit gumagawa ng paraan para makaraos ang mga mahal sa buhay.

Isang tatay ang lumapit kina CherryVin Rivera Po at sa kanyang kasama. Nasunugan pala si tatay na taga Baseco, Tondo. Dahil siguro walang-wala na sila, napilitan siyang maghanap ng solusyon. Mayroon kasi siyang apo na dumedede pa at wala na silang gatas.

Kaya nanghingi si tatay kina CherryVin ng pambili ng gatas. Binigyan naman daw nila ng konting halaga. Agad dumiretso si tatay sa may tindahan upang makabili ngunit kulang daw ang kanyang pera. Bumalik siya kina Cherry at nabigyan naman siya ng Php 50 bilang pandagdag.

  
Imahe via CherryVin Rivera Po | Facebook
Nakabili si tatay. Bumalik siya kina Cherry upang magpasalamat at pinakita pa na bitbit na nito ang gatas. Ngunit ‘di nila sukat akalain na ibabalik pa nito ang sukli. Tumanggi na silang tanggapin ito at sinabing sa kanya na ito para may pamasahe siya.

Kung tutuusin kailangan niya ng pera. Puwede niyang hindi ibalik ‘yon pero hindi niya ginawa. Isa siyang mabuting tao, tapat at hindi mapagsamantala. Talagang nangangailangan lang siya nang mga sandaling iyon.

Na-mild stroke na pala si tatay ngunit hindi ito naging hadlang upang umalis siya at gumawa ng paraan para sa kanyang apo. Hindi na raw niya matiis na makitang umiiyak ang apo at sunog pa ang binti. Sa katunayan, dala ng sakit ng pangyayari, naiyak siya habang nagkukuwento.

Imahe via CherryVin Rivera Po | Facebook 
Ang mga lolo talaga, labis din ang pagmamahal sa kanilang mga apo.

Kaya bilang tulong, ibinahagi ni CherryVin ang nangyari sa social media kasama ang larawan ni tatay.

“Sana po matulungan niyo si tatay kapag napadaan sa inyo. Hindi siya nanghihingi ng pera. Gatas po ang hinihingi niya para po sa kanyang apo,” panawagan niya.

Magpakatatag ka, tay. Hangad din namin na makababawi ka at ang iyong pamilya. At sa mga nasa mas mabuting kalagayan ngayon, sana may tumulong sa kanila.

COMMENTS

Name

laarni villaluz,1,News,56,Viral,55,
ltr
item
Chismax: Lolo Nanghingi ng Panggatas Para sa Apo, Nang Makabili Sinauli pa ang Sukli
Lolo Nanghingi ng Panggatas Para sa Apo, Nang Makabili Sinauli pa ang Sukli
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg2e93gjxtwamWlhXVeoNGdg7hjXS64ZWkrvv1qgu30Tz6g6mflBnNqW2jHLaYWJZr2uFkmq570yZYV54ppQ-w96z7H9AdIFQirxY6z-UpgiTE9O200IXjnxZTgWzflMXFLeT12P2iEWq4/s640/lolo.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg2e93gjxtwamWlhXVeoNGdg7hjXS64ZWkrvv1qgu30Tz6g6mflBnNqW2jHLaYWJZr2uFkmq570yZYV54ppQ-w96z7H9AdIFQirxY6z-UpgiTE9O200IXjnxZTgWzflMXFLeT12P2iEWq4/s72-c/lolo.png
Chismax
https://chism4x.blogspot.com/2020/06/lolo-nanghingi-ng-panggatas-para-sa-apo.html
https://chism4x.blogspot.com/
https://chism4x.blogspot.com/
https://chism4x.blogspot.com/2020/06/lolo-nanghingi-ng-panggatas-para-sa-apo.html
true
4809434585282105438
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy