Kasalukuyang namamahagi ang aktres at pintor na si Heart Evangelista ng libreng tablet para sa mga mag-aaral na walang kakayahang makip...
Kasalukuyang namamahagi ang aktres at pintor na si Heart Evangelista ng libreng tablet para sa mga mag-aaral na walang kakayahang makipagsabayan sa online class na ipapatupad ngayong taon.
Noong Huwebes (Hunyo 4), ay ipinaalam ni Heart sa pamamagitan ng kanyang twitter account na mamimigay ito ng libreng tablet sa mga batang hindi kayang bilhan ng gadget ng kanilang mga magulang bago pa man magsimula ang online classes.
“For those who don’t have tablets for online school please [direct message] me on [Instagram handle @iamhearte]. I will be giving away as much tablets as I can,” sabi ni Heart sa kanyang twitter post.
Noong Sabado lamang (Hunyo 6), ay nagbigay agad ng update si Heart sa progreso ng kanyang bagong charity work. Sa instagram, ay ipinakita ng aktres na dumating na ang 550 tablets na ipamamahagi niya sa unang batch ng estudyante na tatanggap nito.
Una ng kinumpirma noong Mayo 6 ni Education Secretary Leonor Briones na sa Agosto 24 na ang muling pagbubukas ng klase online sa mga pampubliko at pribadong paaralan bilang bagong normal sa academic system ng bansa.
Source: LoveMarie O. Escudero