Mga Manganganak Posibleng Lumobo sa 2M Dahil sa Lockdown

INAASAHANG aabot sa 2 milyong kababaihan sa bansa ang manganganak ngayong taon ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM)....


INAASAHANG aabot sa 2 milyong kababaihan sa bansa ang manganganak ngayong taon ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM).

Ayon sa isinagawang pag-aaral, nasa 15 hanggang 49 taong gulang ang maaaring manganak sa taong ito, kung saan maaaring humantong sa karagdagang 214,000 hindi planadong pagbubuntis. Pinaniniwalaan ding 10 porsyento sa mga manganganak ay mga kababaihang nasa 20 taong gulang pababa, at karagdagan pang 5,000 pagbubuntis.

Samantala, inaasahan ring baba ng 2.2 percent ang mga kababaihang gumagamit ng modern contraception kung saan katumbas ng 4000,000 kababaihan ang magda-drop out sa family planning program sa bansa.

Ayon kay Undersecretary Juan Antonio Perez III, inaasahan na nila ang pagdami ng bilang nito dahil sa mga paghihigpit sa galaw kung kaya’t nabawasan rin ang access sa suplay ng family planning.

“Looking at these numbers, we foresee that because of the restrictions of movement as well as the reduction of access of women and men to family planning supplies, there will be at least one pregnancy for every three women with an unmet need for family planning,” paliwanag ni Perez.

Aniya, isa lamang ito sa mga epekto ng community quarantine na nagpapalubha sa sitwasyon sa umiiral na health crisis.

Dagdag pa ni Perez, sa paglobo ng bilang ng mga manganganak, dapat na maging alarma ito sa lahat na kahit umiiral ang pandemya ay dapat na isaisip pa rin ang family planning upang maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis.

“While the numbers are staggering, this should sound the alarm for everyone that, as the pandemic rages on, family planning should still be top-of-mind for everyone—not only for those directly involved in service-delivery, but also for all men and women—mothers and fathers, and even our teenage children—who can make a difference by doing their very best to avoid being added as a statistic to the abovementioned numbers; that is, to ensure that they help reduce the incidences of unplanned pregnancies,” ani Perez.

Sa mga media interview ni Perez, sinabi nito na maraming mga hakbang para sa family planning ang kasalukuyang nakalatag, tulad ng tatlong buwang suplay ng family planning commodities gaya ng pills at condoms na idedeliver sa mga bahay ng mga nagpalista sa family Program.

Bukas rin ang mga health centers sa pagbibigay sa mga kababaihan ng mga of injectables at subdermal implants upang masiguro ang epekto ng mga contraceptives.

Mayroon ring mga helpline at chat features ang POPCOM sa Usap Tayo sa Family Planning Facebook Page.

COMMENTS

Name

laarni villaluz,1,News,56,Viral,55,
ltr
item
Chismax: Mga Manganganak Posibleng Lumobo sa 2M Dahil sa Lockdown
Mga Manganganak Posibleng Lumobo sa 2M Dahil sa Lockdown
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgikkkPdGCcRvcw2LK97kYSNDE0aIKOYRSLnT_pTl2xZlbDLS2HDQPtYBgxijT-QSlz854Ug5QKeMEX7suGrkqZkc3O_S3MiAmbXwlOfx7dqEsCEQVjcoh2TwyGCgzewtqTxBi_kPlqX9M/s640/buntis.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgikkkPdGCcRvcw2LK97kYSNDE0aIKOYRSLnT_pTl2xZlbDLS2HDQPtYBgxijT-QSlz854Ug5QKeMEX7suGrkqZkc3O_S3MiAmbXwlOfx7dqEsCEQVjcoh2TwyGCgzewtqTxBi_kPlqX9M/s72-c/buntis.png
Chismax
https://chism4x.blogspot.com/2020/06/bilang-ng-manganganak-posibleng-lumobo.html
https://chism4x.blogspot.com/
https://chism4x.blogspot.com/
https://chism4x.blogspot.com/2020/06/bilang-ng-manganganak-posibleng-lumobo.html
true
4809434585282105438
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy